2 Timoteo 1:5
Napaalalahanan ako sa tapat mong pananampalataya na unang ipinamuhay ng iyong lola na si Loida at ng iyong ina na si Eunice. At natitiyak ko na ipinapamuhay mo rin ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 17:1Pakinggan mo ang pagsamo ko ng katarungan, O Yahweh; pansinin mo ang aking panawagan ng tulong! Paglaanan mo ng iyong tainga ang panalangin ko, mula sa mga labi na walang panlilinlang.
Psalms 22:10Ipinagkatiwala na ako sa iyo mula pa sa sinapupunan; ikaw ang aking Diyos simula pa ng ako ay nasa sinapupunan ng aking ina!
Psalms 77:6Sa kahabaan ng gabi inaalala ko ang awit na minsan kong inawit. Nag-isip akong mabuti at sinubukang unawain ang nangyari.
Psalms 86:16Harapin mo ako at maawa ka sa akin, ibigay mo ang iyong kalakasan sa iyong lingkod; iligtas mo ang anak ng babaeng lingkod mo.
Jeremiah 3:10At pagkatapos ng lahat ng ito, hindi bumalik sa akin nang buong puso ang taksil niyang kapatid na Juda, kundi isang kasinungalingan! Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Acts 16:1Nakarating din si Pablo sa Derbe at Listra, at masdan ito, naroon ang isang alagad na nagngangalang Timoteo, anak ng isang babaeng Judio na mananampalataya; ang kaniyang ama ay isang Griego.