Acts 1:6
Nang sama-sama silang nagkatipon tinanong nila siya, ''Panginoon, ito na ba ang oras na ibabalik mo ang kaharian sa Israel?''
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 1:26Ibabalik ko ang mga hukom ninyo gaya noon, at ang mga taga-payo ninyo gaya noong simula; matapos nito, tatawagin kayong lungsod ng katuwiran, isang tapat na bayan.
Jeremiah 23:5Tingnan ninyo, ang mga araw ay paparating—ito ang pahayag ni Yahweh—kapag magbabangon ako para kay David ng isang matuwid na sanga. Mamumuno siya bilang hari; magdadala siya ng kasaganaan at magpapatupad siya ng katarungan at katuwiran sa lupain.
Jeremiah 33:26at kung gayon, hindi ko tatanggapin ang mga kaapu-apuhan ni Jacob at David na aking lingkod, at hindi ako magdadala sa kanila ng isang taong mamumuno sa lahat ng kaapu-apuhan ni Abraham, Isaac, at Jacob. Sapagkat ibabalik ko ang kanilang kayamanan at magiging mahabagin ako sa kanila.”
Daniel 7:27Maibibigay sa mga taong kabilang sa mga banal na tao ng Kataas-taasan ang kaharian, at ang kapangyarihan, ang mga kadakilaan ng mga kaharian sa ibaba ng buong kalangitan. Walang hanggang kaharian ang kaniyang kaharian, paglilingkuran at susundin siya ng lahat ng iba pang mga kaharian.
Joel 3:16Sisigaw si Yahweh mula sa Zion, at lalakas ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem. Mayayanig ang kalangitan at lupa, ngunit si Yahweh ang magiging kanlungan ng kaniyang mga tao at sandigan para sa mga tao ng Israel.
Obadiah 1:17Ngunit sa Bundok n Sion mayroong mga nakatakas, magiging banal ito; aariin muli ng sambahayan ni Jacob ang sarili nilang mga ari-arian.