Acts 11:18
Nang marinig nila ang mga bagay na ito, wala silang naisagot sa kaniya, ngunit nagpuri sila sa Diyos at sinabing, “ Kung ganoon ibinigay din ng Diyos sa mga Gentil ang pagsisisi sa buhay.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 22:30Nang si Finehas na pari at ang mga pinuno ng mga tao, iyon ay, ang mga ulo ng mga angkan ng Israel na kasama niya, ay narinig ang mga salita na sinabi ng bayan ng Ruben, Gad, at Manases, na mabuti ito sa kanilang mga paningin.
Isaiah 61:3para ilagay sa lugar ang mga tumatangis sa Sion—para bigyan sila ng isang turban sa halip na mga abo, langis ng kagalakan sa halip na pagtatangis, isang balabal ng papuri kapalit ng isang espiritu ng kalungkutan, para tawagin silang mga puno ng katuwiran, ang pagtatanim ni Yahweh, para siya ay maaaring luwalhatiin.
Ezekiel 36:26Bibigyan ko kayo ng isang bagong puso at isang bagong espiritu sa mga kaloob-loobang bahagi ninyo, at aalisin ko ang pusong bato mula sa inyong laman. Sapagkat bibigyan ko kayo ng isang pusong laman.
Acts 3:19Kaya nga magsisi kayo at magbalik loob, upang mapawi ang inyong mga kasalanan, nang sa gayon mayroong dumating na panahon ng pagpapanibagong-lakas sa presensya ng Panginoon;
Acts 5:31Tinaas siya ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang maging prinsipe at tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran sa mga kasalanan.
Acts 13:47Sapagkat iniutos sa amin ng Panginoon, na nagsasabi, 'Inilagay ko kayo bilang ilaw sa mga Gentil upang kayo ay magdala ng kaligtasan sa mga pinakadulong bahagi ng mundo.”'