Acts 12:20
Ngayon galit na galit si Herodes sa mga taga-Tiro at Sidon. Pumunta sila sa kaniya na magkakasama. Hinikayat nila si Blasto, na kanang kamay ng Hari, upang tulungan sila. Pagkatapos humiling sila ng kapayapaan, dahil ang kanilang bansa ay tumatanggap ng pagkain mula sa bansa ng hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 10:19Ang hangganan ng mga Cananeo ay mula sa Sidon, sa direksyon ng Gerar, hanggang sa Gaza, at habang ang isa ay patungong Sodoma, Gomorra, Adma, at Zeboim, hanggang sa Lasha.
1 Kings 5:9Ibababa ng aking mga lingkod ang mga puno buhat sa Lebanon hanggang sa dagat, at gagawin kong balsa ang mga ito para makarating sa pamamagitan ng dagat sa lugar na iniatas mo sa akin. Ang mga ito ay paghihiwa-hiwalayin doon at ito ay inyong mahahakot. Matutupad mo ang aking hangarin sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain para sa aking sambahayan.”
2 Chronicles 2:15At ngayon, ang trigo at ang sebada, ang langis at ang alak na sinabi ng aking panginoon, ipadala ninyo ang mga ito sa inyong mga lingkod.
Proverbs 17:14Ang simula ng hindi pagkakasundo ay gaya ng isang taong nagpapakawala ng tubig sa lahat ng dako, kaya lumayo ka sa mga pagtatalo bago ito magsimula.
Proverbs 25:8huwag mo agad dalhin sa paglilitis. Dahil ano ang gagawin mo sa bandang huli, kapag pinahiya ka ng kapwa mo?
Isaiah 23:1Isang pahayag tungkol sa Tiro: Umungol kayo, kayong mga barko ng Tarsis; dahil wala na kayong tahanan ni daungan; naihayag ito sa kanila mula sa lupain ng Kittim.