Acts 17:24
Ang Diyos na lumikha ng mundo at ng lahat ng naroon, dahil siya ang Panginoon ng langit at lupa, ay hindi nananahan sa mga templo na itinayo ng mga kamay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 14:19Siya ay kaniyang pinagpala na nagsasabing, “Pagpalain ka Abram ng Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa.
Deuteronomy 10:14Tingnan ninyo, pag-aari ni Yahweh na inyong Diyos ang langit ng kalangitan, ang sanlibutan, kasama ang lahat na nasa kanila.
2 Kings 19:15Pagkatapos nanalangin si Hezekias sa harapan ni Yahweh at sinabing, “Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ikaw na nakaluklok sa ibabaw ng kerubim, ikaw lang ang Diyos sa lahat ng mga kaharian sa buong mundo. Nilikha mo ang langit at ang lupa.
2 Chronicles 6:18Ngunit talaga bang titira ang Diyos kasama ng mga tao sa lupa? Tingnan, sa buong kalawakan at maging sa kalangitan mismo ay hindi ka magkasiya—gaano pa kaya sa templong ito na aking itinayo!
Psalms 115:16Ang kalangitan ay kay Yahweh; pero ang lupa ay kaniyang ibinigay sa sangkatauhan.
Psalms 148:13Hayaang silang purihin ang pangalan ni Yahweh dahil ang pangalan niya lamang ang itinatanghal at ang kaniyang kadakilaan ay bumabalot sa buong mundo at kalangitan.