Acts 19:13
Ngunit may mga Judio na nagpapalayas ng mga masasamang espiritu ang naglalakbay sa lugar na ginagamit ang pangalan ni Jesus para sa kanilang pansariling nais. Sila ay nagsalita sa mga nasapian ng mga masasamang espiritu; sinabi nilang, Mula sa pagpapahayag ni Pablo inuutusan kita sa pamamagitan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo, lumayas ka.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Ang mga gumawa nito ay ang pitong anak ng punong pari ng mga Hudyo, na si Esceva.
Cross References
Genesis 4:14Sa katunayan, itinaboy mo ako sa araw na ito mula sa lupang ito, at ako ay itatago mula sa iyong mukha. Magiging palaboy ako at pagala-gala sa mundo, at kung sinuman ang makasusumpong sa akin ay papatayin ako.”
1 Samuel 14:24Sa araw na iyon ang kalalakihan ng Israel ay nabalisa dahil inilagay ni Saul ang mga tao sa ilalim ng isang panunumpa at sinabi, “Susumpain ang taong kakain ng anumang pagkain hanggang gabi at naipaghiganti ako sa aking mga kaaway.” Kaya wala sa mga hukbo ang tumikim ng pagkain.
Psalms 109:10Nawa mahibang at magmakaawa ang kaniyang mga anak, na nanghihingi ng limos sa kanilang pag-alis sa kanilang wasak na tahanan.
Matthew 26:63Ngunit si Jesus ay tahimik lamang. Sinabi ng pinakapunong pari sa kaniya, “Inuutusan kita alang-alang sa Diyos na buhay, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ba si Cristo, ang Anak ng Diyos.
Mark 9:38Sinabi ni Juan sa kaniya, “ Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng demonyo sa iyong pangalan at pinatigil namin siya, dahil hindi siya sumusunod sa atin.”
Luke 11:19Kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino nagpapalayas ang inyong mga tagasunod? Dahil dito, sila ang inyong magiging mga hukom.