Mateo 26:63
Ngunit si Jesus ay tahimik lamang. Sinabi ng pinakapunong pari sa kaniya, “Inuutusan kita alang-alang sa Diyos na buhay, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ba si Cristo, ang Anak ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 5:1Kung magkasala ang sinuman dahil tumanggi siyang magpatotoo nang nakasaksi siya tungkol sa isang bagay na kung saan kinakailangan niyang magpatotoo, kahit na nakita niya ito o narinig ang tungkol dito, mayroon siyang pananagutan.
1 Samuel 14:24Sa araw na iyon ang kalalakihan ng Israel ay nabalisa dahil inilagay ni Saul ang mga tao sa ilalim ng isang panunumpa at sinabi, “Susumpain ang taong kakain ng anumang pagkain hanggang gabi at naipaghiganti ako sa aking mga kaaway.” Kaya wala sa mga hukbo ang tumikim ng pagkain.
1 Samuel 14:28Pagkatapos sumagot ang isa sa mga tao, “Mahigpit na binilinan ng iyong ama ang mga tao ng may panunumpa, sa pagsasabing, 'Susumpain ang tao na kakain ng pagkain sa araw na ito,' kahit na mahina na ang mga tao mula sa gutom.”
2 Chronicles 18:15Pagkatapos, sinabi ng hari sa kaniya, “Ilang beses ba kitang dapat utusan na mangakong wala kang ibang sasabihin sa akin kundi ang katotohanan sa ngalan ni Yahweh?”
Psalms 38:12Silang mga naghahangad ng masama sa aking buhay ay naglagay ng mga patibong para sa akin. Silang naghahangad ng aking kapahamakan ay nagsasabi ng mga mapanira at mapanlinlang na mga salita buong araw.
Isaiah 9:6Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.