Acts 28:4
Nang makita ng mga katutubo na ang ahas ay kumapit sa kaniyang kamay, nasabi nila sa isa't-isa, “ Ang taong ito ay tiyak na mamamatay tao, na nakatakas mula sa karagatan, at hindi siya pinayagan ng katarungan upang mabuhay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Ngunit ipinagpag niya ang ahas sa apoy at hindi siya nasaktan.
Cross References
Genesis 3:1Ngayon ang ahas ay higit na tuso kaysa sa anumang ibang mabangis na hayop sa bukid na ginawa ni Yahweh na Diyos. Sinabi niya sa babae, “Talaga bang sinabi ng Diyos, “Hindi kayo dapat kumain mula sa anumang puno ng hardin?”
Genesis 9:5Subalit para sa iyong dugo, ang buhay na nasa iyong dugo, hihingin ko ang kabayaran. Mula sa kamay ng bawat hayop hihingin ko ito. Mula sa kamay ng sinumang tao, iyon ay, mula sa kamay na pumatay ng kanyang kapatid, aking hihingin ang pagsusulit sa buhay ng taong ito.
Numbers 35:31Gayundin, dapat huwag kayong tumanggap ng pantubos para sa buhay ng isang mamamatay-tao na nagkasala ng pagpatay. Dapat tiyakin siyang patayin.
Isaiah 13:21Pero ang mga mababangis na hayop ng ilang ang hihiga doon. Mapupuno ang kanilang mga bahay ng mga kwago; at mga ostrich at mga ligaw na kambing ang magluluksuhan doon.
Isaiah 43:20Pararangalan ako ng mga mababangis na hayop sa bukid, ang mga asong-gubat at mga ostrich, dahil ako ay magbibigay ng tubig sa ilang, at ng mga ilog sa disyerto, para painumin ang aking bayan na pinili,
Matthew 23:35Ang kalabasan ay mapapasainyo ang lahat ng mga dugo ng mga matuwid na inula sa lupa, mula sa dugo ni Abel na matuwid hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa gitna ng santuwaryo at altar.