Acts 7:38
Ito ang lalaki na nasa kapulungan sa ilang kasama ang anghel na nangusap sa kaniya sa Bundok Sinai. Ito ang lalaking nakasama ng ating mga ninuno; ito ang lalaki na siyang tumanggap ng mga buhay na salita upang ibigay sa atin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:3Umakyat si Moises sa Diyos. Tinawag siya ni Yahweh mula sa bundok at sinabi, “Kailangan mong sabihin sa bahay ni Jacob, sa bayan ng Israel:
Exodus 21:1“Ngayon ito ang mga kautusan na dapat mong igawad sa harapan nila:
Numbers 16:41Ngunit sa sumunod na umaga ang lahat ng sambayanan ng mga tao ng Israel ay nagreklamo laban kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Pinatay ninyo ang mga tao ni Yahweh.”
Deuteronomy 6:1Ngayon ito ang mga utos, mga batas, at mga panuntunan na iniutos sa akin ni Yahweh na inyong Diyos para ituro sa inyo, para sundin ninyo ang mga ito sa lupain na inyong pupuntahan sa Jordan para angkinin;
Deuteronomy 32:46Sinabi niya sa kanila, “Ituon ang inyong mga isipan sa lahat ng mga salita na aking pinatunayan sa inyo ngayon, para mautusan ninyo ang inyong mga anak na sundin ang mga ito, ang lahat ng mga salita ng batas na ito.
Nehemiah 9:13Sa bundok ng Sinai bumaba ka at kinausap sila mula sa langit at binigyan mo sila ng makatuwirang mga kautusan at totoong mga batas, mabuting mga alituntunin at mga kautusan.