Amos 2:11
Pumili ako ng mga propetang mula sa inyong mga anak na lalaki at mga Nazareo mula sa inyong mga nakababatang kalalakihan. Hindi ba tama iyon, mga Israelita? —ito ang pahayag ni Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 6:2“Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Sabihin mo sa kanila, “Kapag ang isang lalaki o isang babae ay ibinukod niya ang kaniyang sarili kay Yahweh kasama ang isang natatanging panata ng isang Nazareo,
Judges 13:4Ngayon maging maingat, huwag uminom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang maruming pagkain na inihayag ng batas na madumi.
1 Samuel 3:20Nalaman ng buong Israel mula Dan hanggang Beer-seba na hinirang si Samuel upang maging isang propeta ni Yahweh.
1 Kings 17:1Sinabihan ni Elias na taga-Tisbe sa Galaad si Ahab, “Habang si Yahweh, na Diyos ng Israel na aking kinakatawan, ay totoong buhay, hindi magkakaroon ng hamog o kaya ulan sa mga susunod na taon hanggang hindi ko sinasabi.”
1 Kings 19:16at itatalaga mo si Jehu anak ni Nimshi na maging hari sa Israel, at itatalaga mo si Eliseo anak na lalaki ni Shafat ng Abel Mehola na maging propeta kapalit mo.
1 Kings 20:35May isang lalaki, isa sa mga anak ng propeta, sinabi sa kaniyang kapwa propeta sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, “Pakiusap saktan mo ako.” Pero ang lalaki ay tumangging saktan siya.