Amos 4:5
Mag-alay ng handog pasasalamat na may tinapay; ipaalam ang kusang-loob na paghahandog. Sasabihin ninyo sa kanila, sapagkat ito ay nakalulugod sa inyo, kayong mga Israelita—ito ang pahayag ng Panginoong si Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 7:13Pati rin ang para sa layunin ng pagbibigay ng mga pasasalamat, dapat ihandog niya kasama ang kaniyang handog na para sa kapayapaan ang mga tinapay na niluto na may pampaalsa.
Leviticus 23:17Dapat ninyong ilabas sa inyong mga bahay ang dalawang tinapay na ginawa mula sa dalawang ikapu ng isang epah. Dapat ginawa ang mga ito mula sa pinong harina at inihurno kasama ang lebadura; isang paghahandog ang mga ito mula sa unang mga prutas na itataas at idinulog kay Yahweh.
Psalms 81:12Kaya hinayaan ko sila na sundin ang katigasan ng sarili nilang pamamaraan para maaari nilang gawin kung ano sa tingin nila ang tama.
Isaiah 1:11“Ano ang silbi ng marami ninyong mga alay sa akin?” sabi ni Yahweh. “Sawa na ako sa mga tupa, at taba ng mga hayop na sinunog niyo para ihandog; at sa dugo ng toro, tupa at kambing, hindi ako nalulugod.
Hosea 9:10Sinasabi ni Yahweh, “Nang natagpuan ko ang Israel, tulad ito ng paghahanap ng mga ubas sa ilang. Tulad ng unang bunga sa panahon ng puno ng igos, natagpuan ko ang inyong mga ama. Ngunit nagpunta sila kay Baal Peor, at ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa kahiya-hiyang diyus-diyosang iyon. Naging kasuklam-suklam sila tulad ng diyus-diyosan na kanilang inibig.
Matthew 15:9Sinasamba nila ako na walang kabuluhan, dahil ang itinuturo nila bilang mga doktrina ay ang mga utos ng mga tao.'''