Amos 4:7
“Pinigilan ko din ang ulan sa inyo nang mayroon pang tatlong buwan para mag-ani. Nagpaulan ako sa isang lungsod, at sa ibang lungsod ay hindi ko pinaulan. Sa isang bahagi ng lupain ay naulanan, ngunit sa isang bahagi ng lupain na hindi naulanan ay natuyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 8:22Pero sa araw na iyon ituturing kong kakaiba ang lupain ng Gosen, ang lupain kung saan naninirahan ang aking bayan, para walang mga kuyog ng langaw ang paparoon. Ito ay mangyayari para iyong malaman na ako si Yahweh sa kalagitnaan ng lupaing ito.
Exodus 9:26Doon lamang sa lupain ng Gosen, kung saan nakatira ang mga Israelita, hindi umulan ng yelo.
Leviticus 26:18Kung hindi kayo makikinig sa aking mga utos, ay paparusahan ko kayo ng pitong beses ang tindi para sa inyong mga kasalanan.
Leviticus 26:27Kung hindi kayo makikinig sa akin kahit pa na may mga ganitong bagay, at sa halip patuloy na lumakad laban sa akin,
Deuteronomy 28:23Magiging tanso ang kalangitan na nasa itaas ng inyong mga ulo at magiging bakal ang mundo na nasa ilalim ninyo.
1 Kings 8:35Kapag tahimik ang kalangitan at walang ulan dahil ang bayan ay nagkasala laban sa iyo — kung sila ay nanalangin sa lugar na ito, ipahayag nila ang iyong pangalan, at tumalikod sa kanilang kasalanan kapag napahirapan mo sila —