Amos 4:8
Nagpagala-gala ang dalawa o tatlong lungsod sa ibang lungsod upang uminom ng tubig, ngunit hindi sila nasiyahan. Ngunit hindi pa rin kayo bumalik sa akin—ito ang ang pahayag ni Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 18:5Sinabi ni Ahab kay Obadias, “Lumibot ka sa lupain sa lahat ng mga bukal ng tubig at batis. Marahil tayo ay makakahanap ng damo at maililigtas ang mga kabayo at mga asno para hindi tayo maubusan ng lahat ng hayop.”
Isaiah 41:17Naghahanap ng tubig ang mga api at nangangailangan, pero doon ay wala, at ang kanilang mga dila ay tigang sa uhaw; Ako, si Yahweh, ang tutugon sa kanilang panalangin; Ako, ang Diyos ng Israel, ay hindi sila pababayaan.
Jeremiah 3:7Sinabi ko, 'Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng mga bagay na ito, babalik siya sa akin,' ngunit hindi siya bumalik. At nakita ng taksil niyang kapatid na Juda ang kaniyang ginawa.
Jeremiah 14:3Pinadadala ng kanilang mga makapangyarihang tao ang kanilang mga lingkod para sa tubig. Kapag pumunta sila sa mga balon wala silang mahahanap na tubig. Babalik silang lahat na bigo, tinatakpan nila ang kanilang mga ulo na kahiya-hiya at hindi iginagalang.
Ezekiel 4:16Sinabi rin niya sa akin, “Anak ng tao, masdan mo! Sinisira ko ang imbakan ng tinapay sa Jerusalem, at kakain sila ng tinapay habang nirarasyon ito sa kabalisaan at iinom ng tubig habang nirarasyon ito na may panginginig.
Hosea 11:5Hindi ba sila babalik sa lupain ng Egipto? Hindi ba mamumuno ang Asiria sa kanila dahil tumanggi silang bumalik sa akin?