Amos 7:6
Nahabag si Yahweh tungkol dito. “Hindi rin ito mangyayari,” sinabi ng Panginoong Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
The LORD repented for this: This also shall not be, saith the Lord GOD.
In Context
Cross References
Judges 2:18Nang magtaas si Yahweh ng mga hukom para sa kanila, tinulungan ni Yahweh ang mga hukom at iniligtas sila mula sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway sa buong buhay ng hukom. Dahil nahabag si Yahweh sa kanila nang dumaing sila dahil sa mga umapi at nagpahirap sa kanila.
1 Chronicles 21:15Nagpadala ang Diyos ng isang anghel sa Jerusalem upang sirain ito. Nang sisirain na niya ito, nanood si Yahweh at nagbago ang kaniyang isip tungkol sa paninira. Sinabi niya sa naninirang anghel, “Tama na! Ngayon iurong mo ang iyong kamay.” Sa oras na iyon, nakatayo ang anghel ni Yahweh sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
Psalms 90:13Bumalik ka, Yahweh! Gaano pa ba katagal? Maawa ka sa iyong mga lingkod.
Jeremiah 26:19Ipinapatay ba siya ni Hezekias na hari ng Juda at ng buong Juda? Hindi ba niya kinatakutan si Yawheh at pinahinahon ang mukha ni Yahweh upang bawiin ni Yahweh ang tungkol sa kapahamakang ipinahayag niya sa kanila? Kaya, gagawa ba tayo nang mas matinding kasamaan laban sa ating mga sariling buhay?”
Amos 7:3Nahabag si Yahweh tungkol dito. “Hindi ito mangyayari,” sinabi niya.
Jonah 4:2Kaya nanalangin si Jonas kay Yahweh at sinabi, “A, Yahweh, hindi ba ito ang sinabi ko nang bumalik ako sa aking sariling bansa? Kaya nga kumilos muna ako at sinubukang tumakas papuntang Tarsis—dahil alam kong ikaw ay mapagbigay na Diyos, mahabagin, mabagal magalit, sagana sa katapatan, at naaawa kang magpadala ng kapahamakan.