Mga Taga-Colosas 2:14
Binura niya ang nakasulat na tala ng mga pagkaka-utang at ang mga tuntunin na laban sa atin. Tinanggal niya ang lahat ng mga ito at ipinako ito sa krus.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Read all of Mga Taga-Colosas 2
Cross References
Numbers 5:23Dapat Isulat ng pari ang mga sumpang ito sa isang kasulatang binalumbon, at pagkatapos, dapat niyang hugasan ang mga sumpang isinulat sa mapait na tubig.
Esther 3:12Pagkatapos ay pinatawag ang mga manunulat ng hari sa ikalabintatlong araw ng unang buwan, at isang utos na naglalaman ng lahat ng iniutos ni Haman ang sinulat para sa mga panlalawigang gobernador ng hari, iyong mga namumuno sa lahat ng lalawigan, sa mga gobernador ng iba't-ibang mga lahi, at sa lahat ng mga opisyal ng lahat ng tao, sa bawat lalawigan sa sarili nilang pagsulat, at sa bawat tao sa sarili nilang wika. Ito ay isinulat sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ng kanyang singsing.
Psalms 51:1Kaawaan mo ako, Diyos, dahil sa iyong katapatan sa tipan; alang-alang sa iyong mga maawaing gawa, burahin mo ang aking mga kasalanan.
Isaiah 43:25Ako, oo, ako, ang siyang nag-aalis ng iyong mga kasalanan para sa aking kapakanan; at hindi ko na tatandaan pa ang iyong mga kasalanan kahit kailan.
Isaiah 57:14Sasabihin niya, “Magtayo kayo, magtayo kayo! Linisin ninyo ang daan! Alisin lahat ang mga hadlang sa landas ng aking bayan!””
Luke 1:6Kapwa sila matuwid sa harapan ng Diyos; sila ay namuhay nang walang kapintasan sa lahat ng mga utos at alituntunin ng Panginoon.