Mga Taga-Colosas 3:25
Sapagkat sinumang gumawa ng hindi matuwid ay tatanggap ng kabayaran para sa hindi matuwid na kaniyang ginawa at wala ditong pinapanigan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Read all of Mga Taga-Colosas 3
Cross References
Leviticus 19:15Huwag idulot na ang paghataol ay maging kasinungalingan. Hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman dahil siya ay mahirap, at hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman sapagkat siya ay mahalaga. Sa halip, maghusga ng matuwid sa inyong kapwa.
Deuteronomy 10:17Dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ay Diyos ng mga diyos at Panginoon ng mga panginoon, ang dakilang Diyos, ang tanging makapangyarihan at ang tanging kinatatakutan, na siyang walang itinatanging sinuman at hindi tumatanggap ng mga suhol.
2 Chronicles 19:7At ngayon, hayaan ninyong ang takot kay Yahweh ang sumainyo. Maging maingat kapag kayo ay hahatol, sapagkat walang kawalan ng katarungan kay Yahweh na ating Diyos, ni walang pinapanigan o pagtanggap ng suhol.”
Job 37:24Kaya, kinatatakutan siya ng mga tao. Hindi niya pinapansin ang mga nag-iisip na matalino sila.”
Acts 10:34At binuksan ni Pedro ang kaniyang bibig at sinabi, “Sa katotohanan, naunawaan ko ng lubusan na walang tinatangi ang Diyos.
1 Corinthians 6:7Ang katunayan na may mga anumang alitan sa pagitan ng mga Kristiyano ay pagkatalo na para sa inyo. Bakit hindi nalang pagdusahan ang mali? Bakit hindi nalang hayaan na kayo ay dayain?