Daniel 1:17
Para sa apat na binatang ito, pinagkalooban sila ng Diyos ng kaalaman at maliwanag na pagkaunawa sa lahat ng panitikan at karunungan at nauunawaan ni Daniel ang lahat ng uri ng mga pangitain at mga panaginip.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 41:8Kinaumagahan ay nabagabag ang kaniyang espiritu. Pinapunta niya at pinatawag ang lahat ng mga salamangkero at mga pantas ng Ehipto. Sinabi sa kanila ni Paraon ng kaniyang mga panaginip, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag ng mga iyon kay Paraon.
Numbers 12:6Sinabi ni Yahweh, “Ngayon makinig kayo sa aking mga salita. Kapag kasama ninyo ang aking propeta, inihahayag ko ang aking sarili sa kaniya sa mga pangitain at nagsasalita ako sa kaniya sa mga panaginip.
1 Kings 3:28Nang narinig ng buong Israel ang paghahatol na ginawa ng hari, natakot sila sa hari, dahil nakita nila ang karunungan ng Diyos ay nasa kaniya sa pagbibigay ng hatol.
2 Chronicles 1:10Ngayon bigyan mo ako ng karunungan at kaalaman upang mapamunuan ko ang mga taong ito, sapagkat sino ba ang huhukom sa iyong mga tao na napakarami ang bilang?”
2 Chronicles 26:5Inilaan niya ang kaniyang sarili upang hanapin ang Diyos sa mga araw ni Zacarias, na siyang nagbigay sa kaniya ng mga tagubilin para sa pagsunod sa Diyos. Habang hinahanap niya si Yahweh, pinagpala siya ng Diyos.
Psalms 119:98Higit akong pinatatalino ng mga kautusan mo kaysa sa mga kaaway ko, dahil lagi kong kasama ang mga kautusan mo.