Daniel 10:14
Ngayon ay naparito ako upang tulungan kang unawain kung ano ang mangyayari sa iyong mga tao sa mga huling araw. Sapagkat ang pangitain ay para sa mga araw na darating.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 24:14Kaya ngayon, tingnan mo, babalik ako sa aking mga tao. Ngunit binabalaan muna kita kung ano ang gagawin ng mga taong ito sa iyong mga tao sa darating na mga araw.”
Deuteronomy 31:21Kapag maraming kasamaan at mga kaguluhan ang mayroon ang mga tao na ito, ang awiting ito ang magpapatunay bilang isang saksi; dahil ito ay hindi malilimutan mula sa mga bibig ng kanilang mga kaapu-apuhan; dahil alam ko ang mga plano na kanilang binubuo ngayon, kahit bago ko pa sila dinala dito sa lupain na aking ipinangako.”
Ezekiel 38:16At sasalakayin mo ang mga tao kong Israelita na gaya ng isang ulap na bumabalot sa lupain. Mangyayari ito sa mga darating na araw, dadalhin ko kayo laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa kapag nakita na ni Gog ang aking kabanalan.
Daniel 8:26Totoo ang pangitain na sinabi tungkol sa mga gabi at mga umaga. Ngunit selyohan mo ang pangitain, sapagkat tumutukoy ito sa maraming araw sa hinaharap.”
Daniel 10:1Sa ikatlong taon ng paghahari ni Ciro na hari ng Persia, isang mensahe ay ipinahayag kay Daniel, (na tinawag na Beltesazar) at ang mensaheng ito ay totoo. Tungkol ito sa isang malaking digmaan. Naunawaan ni Daniel ang mensahe nang ipinakita sa kaniya sa pamamagitan ng pangitain.
Daniel 12:9Sinabi niya, “Makakaalis ka na Daniel sapagkat nakasara ang mga salita at selyado hanggang sa panahon ng pagwawakas.