Numbers 24:14
Kaya ngayon, tingnan mo, babalik ako sa aking mga tao. Ngunit binabalaan muna kita kung ano ang gagawin ng mga taong ito sa iyong mga tao sa darating na mga araw.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 24:17Nakita ko siya, ngunit siya ay wala ngayon dito. Tiningnan ko siya, ngunit hindi siya malapit. Isang tala ang lalabas mula kay Jacob, at lilitaw ang isang setro mula sa Israel. Dudurugin niya ang mga pinuno ng Moab at lilipulin lahat ng mga kaapu-apuhan ni Set.
Isaiah 24:22Sila ay sama-samang titipunin, mga bilanggo sa hukay, at ikukulong sa isang bilangguan; at pagkatapos ng maraming araw sila ay hahatulan.
Jeremiah 49:39at mangyayari sa darating na araw na ibabalik ko ang kayamanan ng Elam—ito ang pahayag ni Yahweh.”
Daniel 10:14Ngayon ay naparito ako upang tulungan kang unawain kung ano ang mangyayari sa iyong mga tao sa mga huling araw. Sapagkat ang pangitain ay para sa mga araw na darating.”
Micah 6:5Aking mga tao, alalahanin ninyo ang mga inisip ni Balak na Hari ng mga Moab at ang sagot sa kaniya ni Balaam anak ni Boar sa iyong pagpunta sa Sitim hanggang Gigal upang malaman ninyo ang matuwid kong mga ginawa, si Yahweh.”
2 Timothy 3:1Ngunit alamin ito: na sa mga huling araw ay magkakaroon ng kahirapan.