Daniel 11:16
Ngunit gagawin ng hari ng Hilaga ang lahat ng gusto niyang gawin laban sa hari ng Timog at walang sinumang pipigil sa kaniya; itatatag niya ang kaniyang sarili sa mainam na lupaing dala-dala ng kaniyang kamay ang ganap na pagkawasak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 1:5Walang sinumang makakatayo sa harap ninyo sa lahat ng araw ng inyong buhay. Sasamahan kita tulad ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita pababayaan o iiwan kita.
Jeremiah 3:19Para sa akin, sinabi ko, 'Gayon na lamang kita nais parangalan bilang aking anak na lalaki at bigyan ka ng kaaya-ayang lupain, isang mana na mas maganda kaysa sa anumang nasa ibang bansa!' Sasabihin ko, 'Tatawagin mo ako, “aking Ama”.' Sasabihin ko na hindi ka dapat tumalikod sa pagsunod sa akin.
Daniel 8:7Nakita ko na lumapit ang kambing sa lalaking tupa. Galit na galit siya sa lalaking tupa, sinugod niya ang lalaking tupa at binali ang dalawang sungay nito. Walang kapangyarihan ang lalaking tupa upang tumayo sa harapan niya. Ibinuwal siya ng kambing sa lupa at tinapakan siya. Walang sinuman ang makapagliligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kapangyarihan.
Daniel 11:3At mamumuno ang isang makapangyarihang hari sa isang napakalaking kaharian at gagawin niya ang lahat ng bagay na kaniyang naisin.
Daniel 11:41Darating siya sa maluwalhating lupain, at sampung libong Israelita ang matitisod at babagsak, ngunit maraming taga-Edom at Moab at mga natitirang tao ng Amon ang makakatakas mula sa kaniyang kamay.