Daniel 4:8
Ngunit sa huli, pumasok si Daniel—na pinangalanang Beltesazar ayon sa pangalan ng aking diyos, at sumasakanya ang espiritu ng mga banal na diyos. Sinabi ko sa kaniya ang panaginip.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 46:1Si Bel ay nagpatirapa, si Nebo ay yumuyukod; nabigatan ang mga hayop na nagdadala ng kanilang diyus-diyosan. Ang mga diyus-diyosan na kanilang dala ay mabigat na pasanin sa mga pagod na mga hayop.
Jeremiah 50:2“Ipahayag mo sa mga bansa at maging dahilan upang makinig sila. Magbigay ka ng isang hudyat at maging dahilan upang makinig sila. Huwag mo itong ilihim at sabihin mo, “Nasakop na ang Babilonia at nalagay na sa kahihiyan ang Bel. Nanlupaypay na ang Merodac. Nalagay sa kahihiyan ang kanilang mga diyus-diyosan, nasira ang mga imahen nito.'
Daniel 1:7Binigyan sila ng mga pangalan ng pinunong opisyal: tinawag si Daniel na Beltesazar, tinawag si Hananias na Shadrac, si Misael na Meshac, at si Azarias na Abednego.
Daniel 4:9“Beltesazar, pinuno ng mga salamangkero, alam kong sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos at walang hiwaga ang labis na mahirap sa iyo. Sabihin mo sa akin kung ano ang aking nakita sa aking panaginip at kung ano ang kahulugan nito.
Daniel 5:11May isang lalaki sa iyong kaharian na nagtataglay ng espiritu ng mga banal na diyos. Sa mga panahon ng iyong ama, nakikita sa kaniya ang ilaw, pang-unawa at karunungan gaya ng karunungan ng mga diyos. Si haring Nebucadnezar, na iyong amang hari, ang nagtalaga sa kaniya na maging pinuno ng mga salamangkero at siya rin ang pinuno ng mga nakikipag usap sa patay, ng matatalinong kalalakihan at ng mga astrologo.