Daniel 4:9
“Beltesazar, pinuno ng mga salamangkero, alam kong sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos at walang hiwaga ang labis na mahirap sa iyo. Sabihin mo sa akin kung ano ang aking nakita sa aking panaginip at kung ano ang kahulugan nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 11:6Sinabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, sila ay iisang bayan na may iisang wika, at sinisimulan nilang gawin ito! Hindi magtatagal lahat ng gusto nilang gawin ay hindi na magiging imposible para sa kanila.
Genesis 41:15Sinabi ni Paraon kay Jose, “Mayroon akong panaginip pero walang tagapagpaliwanag nito. Pero narinig ko ang tungkol sa iyo, na kapag makarinig ka ng panaginip ay maipapaliwanag mo ito. ”
Judges 7:13Nang dumating si Gideon doon, isang lalaki ang nagsasabi ng isang panaginip sa kaniyang kasama. Sinabi ng lalaki, “Tingnan mo! mayroon akong isang panaginip at nakita ko ang isang bilog na piraso ng tinapay na sebada ang gumugulong papunta sa kampo ng Midianita. Dumating ito sa tolda at tumama nang napalakas, bumagsak at natiwarik ito, kaya lumagapak ito.”
Isaiah 33:18Magugunita ng inyong puso ang kilabot; nasaan ang eskriba, nasaan siya na nagtimbang ng pera? Nasaan siya na bumilang ng mga tore?
Ezekiel 17:23Itatanim ko ito sa mga bundok ng Israel kaya ito ay lalago magkakaroon ng mga sanga at mamumunga, at magiging kahanga-hangang sedar kaya mamumuhay sa ilalim nito ang mga ibon. Sila ay mamumugad sa lilim ng mga sanga nito.
Daniel 1:20At sa bawat katanungan ng karunungan at pang-unawa na itinanong sa kanila ng hari, nasumpungan niya na sila ay sampung beses na mas mainam kaysa sa lahat ng salamangkero at ang mga umaangking nakakausap ang mga patay na nasa kaniyang buong kaharian.