Judges 7:13
Nang dumating si Gideon doon, isang lalaki ang nagsasabi ng isang panaginip sa kaniyang kasama. Sinabi ng lalaki, “Tingnan mo! mayroon akong isang panaginip at nakita ko ang isang bilog na piraso ng tinapay na sebada ang gumugulong papunta sa kampo ng Midianita. Dumating ito sa tolda at tumama nang napalakas, bumagsak at natiwarik ito, kaya lumagapak ito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 3:15Pero nang tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, nagtalaga ng isang tao si Yahweh na tutulong sa kanila, si Ehud na anak na lalaki ni Gera, isang Benjamita, at kaliwete. Ipinadala siya ng bayan ng Israel, kasama ang pugay na pambayad, kay Eglon na hari sa Moab.
Judges 4:9Sinabi niya, “Talagang sasama ako sa iyo. Gayunman, ang landas na dadaanan mo ay hindi maghahatid sa iyong karangalan, dahil gagawin ni Yahweh na talunin si Sisera ng isang babae sa pamamagitan ng kaniyang lakas.” Pagkatapos tumayo si Debora at sumama kay Barak sa Kedes.
Judges 6:15Sinabi ni Gideon sa kaniya, “Pakiusap, Panginoon, paano ko maliligtas ang Israel? Tingnan mo, ang aking pamilya ang pinakamahina sa Manases, at ako ang pinaka hindi mahalaga sa sambahayan ng aking ama.”
Isaiah 41:14Huwag matakot, Jacob ikaw na uod, at kayong mga Israelita; tutulungan ko kayo” — ito ang pahayag ni Yahweh, ang iyong tagapagligtas, ang Banal ng Israel.