Daniel 5:2
Habang tinitikman ni Belsazar ang alak, nagbigay siya ng mga utos na ilabas ang mga sisidlan na gawa sa ginto at pilak na kinuha sa templo ng Jerusalem ng kaniyang amang si Nebucadnezar, upang mainuman niya at ng kaniyang mga maharlikang tauhan at ng kaniyang mga asawa at mga asawang tagapaglingkod.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 9:7Sinabi ni David sa kaniya, Huwag kang matakot, dahil titiyakin kong kagandahang-loob ang ipapakita ko sa iyo alang-alang kay Jonatan na iyong ama at ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ni Saul na iyong lolo, at lagi kang kakain sa aking lamesa.”
2 Kings 24:13Kinuha mula roon ni Nebucadnezar ang lahat ng mga mahahalagang bagay sa tahanan ni Yahweh, at ang mga nasa palasyo ng hari. Pinira-piraso niya ang lahat ng mga gintong bagay na ginawa ni Solomon hari ng Israel sa templo ni Yahweh, gaya ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.
2 Chronicles 11:20Kasunod ni Mahalat, napangasawa ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom. Isinilang niya sina Abiaz, Atai, Ziza at Selomit.
2 Chronicles 36:10Noong tagsibol, nagpadala si Haring Nebucadnezar ng mga kalalakihan at dinala siya sa Babilonia, kasama ng mga mahahalagang bagay mula sa tahanan ni Yahweh at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang kaniyang kamag-anak na si Zedekias.
Ezra 1:7Ibinalik din ni Haring Ciro ang mga kagamitang nabibilang sa templo ni Yahweh na dinala ni Nebucadnezar mula sa Jerusalem at inilagay sa tahanan ng kaniyang sariling mga diyos.
Jeremiah 27:7Sapagkat maglilingkod sa kaniya ang lahat ng mga bansa, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga apo hanggang sa dumating ang panahon na magwakas ang kaniyang lupain. At maraming bansa at mga makapangyarihang hari ang tatalo sa kaniya.