Daniel 7:10
Isang ilog na apoy ang umaagos palabas sa kaniyang harapan, milyon-milyon ang naglilingkod sa kaniya, at isang daang milyon ang nakatayo sa kaniyang harapan. Nasa pagpupulong ang hukuman at nabuksan ang mga libro.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 22:19Pagkatapos sinabi ni Micaya, “Gayuman pakinggan ang salita ni Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono, at lahat ng hukbo sa langit ay nakatayo sa tabi niya sa kaniyang kanang kamay at sa kaniyang kaliwa.
Psalms 50:3Dumarating ang ating Diyos at hindi nananatiling tahimik; isang apoy ang lumalamon sa harapan niya, at bumabagyo nang napakalakas sa kanyang paligid.
Psalms 96:11Hayaang ang kalangitan ay magalak, at ang daigdig ay magdiwang; hayaang ang dagat ay rumagasa at ang mga laman nito ay sumigaw nang may kagalakan.
Psalms 97:3Ang apoy ang nasa kanyang unahan at tumutupok sa kanyang mga kaaway sa lahat ng dako.
Isaiah 30:27Masdan ninyo, ang pangalan ni Yahweh ay dumarating mula sa malayong lugar, lumiliyab sa kanyang galit at nasa makapal na usok. Ang kanyang labi ay puno ng matinding galit, at ang kanyang dila ay tulad ng isang lumalamon na apoy.
Isaiah 66:15Kaya masdan ninyo, darating si Yahweh na may apoy, at ang kaniyang mga karwahe ay darating tulad ng malakas na bagyo para dalhin ang sidhi ng kaniyang galit at ang kaniyang pagsaway na may lagablab ng apoy.