The Bible Software
bible.softwareDanielDaniel 8 › Daniel 8:15

Daniel 8:15

Nang akong si Daniel ay nakita ang pangitain, sinubukan kong unawain ito. At may tumayo sa harapan ko na katulad ng isang lalaki.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And it came to pass, when I, even I Daniel, had seen the vision, and sought for the meaning, then, behold, there stood before me as the appearance of a man.

In Context

14Sinabi niya sa akin, “Magtatagal ito sa loob ng 2, 300 na araw at gabi. Pagkatapos nito, magiging maayos ang santuwaryo.”

16Narinig ko ang tinig ng isang lalaking tumatawag sa pagitan ng mga pampang ng Ilog Ulai. Sinabi niya, “Gabriel, tulungan mo ang lalaking ito na maunawaan ang pangitain.”

Read all of Daniel 8

Cross References

Isaiah 9:6Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

Daniel 7:13Sa aking pangitain nang gabing iyon, nakita ko ang isang dumarating kasabay ang mga ulap ng langit tulad ng isang anak ng tao. Lumapit siya sa Sinaunang mga Araw at iniharap siya sa kaniya.

Daniel 7:28Narito ang katapusan ng lahat ng bagay. Ngunit para sa akin, na si Daniel, labis na nabahala ang aking isipan at nabago ang itsura ng aking mukha. Ngunit itinago ko ang mga bagay na ito sa aking sarili.”

Daniel 10:16May isang anyong tulad ng tao ang humipo sa aking mga labi, at ibinukas ko ang aking bibig at nakipag-usap sa kaniya na nakatayo sa aking harapan, “Aking panginoon, ibinalik ng pangitain ang dalamhati sa akin at wala na akong natirang lakas.

Daniel 12:8Narinig ko ngunit hindi ko naunawaan. Kaya nagtanong ako, “Panginoon ko, ano ang magiging kahihinatnan ng lahat ng mga bagay na ito?”

Matthew 13:36Pagkatapos ay iniwan ni Jesus ang maraming tao at nagtungo sa isang bahay. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga ng mga damo sa bukid.”

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Daniel 8:15

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Daniel 8:14Daniel 8Daniel 8:16 →