Daniel 8:16
Narinig ko ang tinig ng isang lalaking tumatawag sa pagitan ng mga pampang ng Ilog Ulai. Sinabi niya, “Gabriel, tulungan mo ang lalaking ito na maunawaan ang pangitain.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Daniel 8:2Nakita ko sa pangitain habang tumitingin ako, na ako ay nasa matatag na lungsod ng Susa sa lalawigan ng Elam. Nakita ko sa pangitain na nasa tabi ako ng Ilog Ulai.
Daniel 10:11Sinabi ng anghel sa akin, “Daniel, lalaking lubos na iniibig, unawain mo ang mga salitang sasabihin ko sa iyo, at tumayo ka ng matuwid sapagkat ipinadadala ako sa iyo. “Nang sabihin niya ang salitang ito sa akin, tumayo akong nanginginig.
Daniel 10:21Subalit sasabihin ko sa iyo kung ano ang nakasulat sa Aklat ng Katotohanan- walang sinuman ang magpapakita sa akin ng kaniyang sarili na malakas, maliban kay Miguel na iyong prinsipe.”
Zechariah 1:9Sinabi ko, “Ano ang mga ito Panginoon?” At sinabi sa akin ng anghel na kumausap sa akin, “Ipapakita ko sa iyo kung ano ang mga ito.”
Luke 1:19Ang anghel ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Ako si Gabriel na nakatayo sa presensiya ng Diyos. Ako ay inutusan upang makipag-usap sa iyo, upang iparating sa iyo ang mabuting balita.
Acts 9:7Ang mga lalaking kasama ni Saulo sa paglalakbay ay hindi nakapagsalita, naririnig ang tinig, ngunit walang nakikita.