Deuteronomio 27:3
Dapat ninyong isulat ang lahat ng mga salita ng kautusang ito kapag nakatawid na kayo; upang makapunta kayo sa lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot, tulad ng ipinangako ni Yahweh sa inyo, ang Diyos ng inyong mga ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 20:24Sinabi ko sa inyo, “Mamanahin ninyo ang kanilang lupain; ibibigay ko ito sa inyo para angkinin, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang naghiwalay sa inyo mula sa ibang mga tao.
Numbers 14:8Kung nalulugod si Yahweh sa atin, sa gayon dadalhin niya tayo sa lupaing ito at ibibigay ito sa atin. Dinadaluyan ang lupain ng gatas at pulot-pukyutan.
Deuteronomy 6:8Itali ninyo ang mga ito bilang isang palatandaan sa inyong kamay, at magsisilbi ang mga ito bilang gasa sa pagitan ng inyong mga mata.
Joshua 5:6Naglakbay ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon sa ilang hanggang ang lahat ng tao, iyon ay, lahat ng kalalakihang mandirigma na nakalabas sa Ehipto ay namatay, dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh. Ipinangako ni Yahweh sa kanila na hindi niya sila hahayaang makita ang lupaing ipinangako niya sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa amin, isang lupaing umaapaw ang gatas at pulot.
Jeremiah 11:5Sundin ninyo ako upang mapatunayan ko ang sumpaan na aking ipinangako sa inyong mga ninuno, ang panunumpa na ibibigay ko sa kanila ang lupain na umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan kung saan kayo naninirahan ngayon.”' At, akong si Jeremias ay sumagot at nagsabi, “Oo, Yahweh!”
Jeremiah 32:22At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito, na iyong ipinangako sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kanila, isang lupaing umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan.