Leviticus 20:24
Sinabi ko sa inyo, “Mamanahin ninyo ang kanilang lupain; ibibigay ko ito sa inyo para angkinin, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang naghiwalay sa inyo mula sa ibang mga tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:8Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
Exodus 6:8Dadalhin ko kayo sa lupain na aking sinumpaan para ibigay kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob. Ibibigay ko ito sa inyo bilang isang pag-aari. Ako si Yahweh.'”
Exodus 19:5Ngayon pagkatapos, kung susundin at pakikinggan ninyo ang aking tinig at iingatan ang aking kasunduan, kung gayon, magiging katangi-tanging pag-aari kita mula sa lahat ng mga tao, dahil ang buong daigdig ay akin.
Exodus 33:3Puntahan mo ang lupain na iyon, kung saan dumadaloy ang gatas at pulot, pero hindi ako sasama sa inyo, dahil kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Baka lang wasakin kayo sa daan.”
Leviticus 14:34“Nang nagpunta kayo sa lupain ng Canaan kung saan ibinigay ko sa inyo bilang isang pag-aari, at kung maglalagay ako ng amag na kakalat sa isang bahay sa lupain ng inyong pag-aari,
Numbers 23:9Sapagkat nakikita ko siya mula sa tuktok ng mga bato; mula sa mga burol tinitingnan ko siya. Tingnan mo, may mga taong naninirahang mag-isa at hindi itinuturing ang kanilang sarili bilang isang karaniwang bansa.