Deuteronomio 27:7
at mag-aalay kayo ng mga handog para sa pagtitipon-tipon at kumain doon; magdiriwang kayo sa harap ni Yahweh na inyong Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And thou shalt offer peace offerings, and shalt eat there, and rejoice before the LORD thy God.
In Context
8Isusulat ninyo sa mga bato ang lahat ng mga salita ng kautusang ito ng malinaw.”
Cross References
Leviticus 7:11Ito ang batas ng alay na handog para sa kapayapaan na ihahandog ng mga tao kay Yahweh.
Deuteronomy 12:12Magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong mga anak na lalaki, ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga lingkod na lalaki at ang inyong mga lingkod na babae at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan, dahil wala siyang bahagi o pamana sa inyo.
Deuteronomy 16:14Kayo ay magagalak sa panahon ng pista—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita, ang mga dayuhan, ang mga ulila at ang mga balo na nasa inyo, na nasa loob ng inyong mga tarangkahan.
2 Chronicles 30:23Nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang ng pitong araw pa, at ginawa nga nila nang may kagalakan.
Psalms 100:1Sumigaw na may kagalakan kay Yahweh, buong daigdig.
Isaiah 61:3para ilagay sa lugar ang mga tumatangis sa Sion—para bigyan sila ng isang turban sa halip na mga abo, langis ng kagalakan sa halip na pagtatangis, isang balabal ng papuri kapalit ng isang espiritu ng kalungkutan, para tawagin silang mga puno ng katuwiran, ang pagtatanim ni Yahweh, para siya ay maaaring luwalhatiin.