Deuteronomio 5:1
Tinawag ni Moises ang lahat ng Israelita at sinabihan sila, “Makinig sa akin, Israel, sa mga batas at mga kautusan na aking sasabihin sa inyong mga tainga ngayon, para pag-aralan at panatilihin ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Gumawa si Yahweh na ating Diyos ng isang tipan sa atin sa Horeb.
Cross References
Deuteronomy 1:1Ito ang mga salita na sinabi ni Moises sa lahat ng mga Israelita sa ibayo ng Jordan sa ilang, sa patag na lambak ng Ilog Jordan sa tapat ng Suf, sa pagitan ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Di Zahab.
Deuteronomy 4:5Tingnan ninyo, tinuro ko sa inyo ang mga batas at panuntunan, gaya ng iniutos ni Yahweh na aking Diyos, na dapat ninyong gawin sa kalagitnaan ng lupain kung saan kayo patungo para maangkin ninyo ito.
Deuteronomy 11:1Sa gayon ay iibigin ninyo si Yahweh na inyong Diyos at palaging susundin ang kaniyang mga tagubilin, kaniyang mga batas, kaniyang mga panuntunan at kaniyang mga utos.
Deuteronomy 17:19Ang balumbon ay dapat nasa kaniya at dapat niyang basahin ang laman nito sa lahat ng araw ng kaniyang buhay, para matutunan niyang parangalan si Yahweh na kaniyang Diyos, nang sa gayon mapanatili ang lahat ng mga salita ng kautusan at mga batas, para isagawa ang mga ito.
Deuteronomy 29:2Ipinatawag ni Moises ang lahat ng mga Israelita at sinabi sa kanila, “Nakita ninyo ang lahat ng bagay na ginawa ni Yahweh sa harap ng inyong mga mata sa lupain ng Ehipto kay Paraon, sa lahat ng kaniyang mga lingkod, at sa lahat ng kanyang lupain—
Joshua 1:8Palagi kang magsasalita tungkol sa aklat ng batas na ito. Pagbubulay-bulayan mo ito sa araw at gabi para masunod mo ang lahat na nakasulat dito. Sa gayon magiging maunlad ka at matagumpay.