The Bible Software
bible.software › Deuteronomio › Deuteronomio 9 › Deuteronomio 9:4

Deuteronomio 9:4

Huwag sabihin sa inyong puso, matapos silang itulak palabas ni Yahweh na inyong Diyos mula sa inyong harapan, 'dahil ako ay matuwid kaya dinala ako ni Yahweh para angkinin ang lupang ito,' dahil ito sa kasamaan nitong mga bansa kaya't pinaaalis sila ni Yahweh palabas mula sa harapan ninyo.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Speak not thou in thine heart, after that the LORD thy God hath cast them out from before thee, saying, For my righteousness the LORD hath brought me in to possess this land: but for the wickedness of these nations the LORD doth drive them out from before thee.

In Context

3Kaya alamin sa araw na ito, na si Yahweh na inyong Diyos ang siyang mangunguna sa harapan ninyo katulad ng isang lumalamong apoy; wawasakin niya sila, at sila ay ibabagsak niya sa inyong harapan; para palayasin ninyo sila palabas at agad silang mamatay, gaya ng sinabi ni Yahweh sa inyo.

5Hindi ito dahil sa inyong pagkamatuwid o sa kabutihan ng inyong puso na makakapasok kayo para angkinin ang kanilang lupain; pero dahil sa kasamaan ng mga bansang ito kaya't papaalisin sila ng inyong Diyos palabas mula sa inyong harapan, at para magawa niyang tuparin ang salita na pinangako niya sa inyong mga ninuno, kay Abraham, Isaac, at Jacob.

Read all of Deuteronomio 9

Cross References

Leviticus 18:24Huwag ninyong dungisan ang inyong mga sarili sa mga paraang ito, sapagkat sa lahat ng mga paraang ito nadungisan ang mga bansa, mga bansang itataboy ko mula sa inyong harapan.

Deuteronomy 8:17kung hindi, maaari ninyong sabihin sa inyong puso, 'Sa aking kapangyarihan at sa lakas ng aking kamay natamo ko ang lahat ng kayamanang ito.'

Deuteronomy 12:31Hindi ninyo iyan gagawin sa paggalang kay Yahweh na inyong Diyos, dahil ang lahat ng bagay na kasuklam-suklam kay Yahweh, ang mga bagay na kinasusuklaman niya—ginawa nila ang mga ito sa kanilang diyus-diyosan; sinunog nila kahit pa ang kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga anak na babae sa apoy para sa kanilang mga diyus-diyosan.

Deuteronomy 18:12Dahil ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay kasuklam-suklam kay Yahweh; dahil sa mga kasuklam-suklam na bagay na ito palalayasin sila ni Yahweh na inyong Diyos mula sa inyong harapan.

Ezekiel 36:32Hindi ko ito ginagawa para sa inyong kapakanan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh— dapat ninyo itong malaman. Kaya mahiya kayo at magkaroon ng kahihiyan dahil sa iyong mga kaparaanan, sambahayan ng Israel.

Romans 11:20Totoo iyan. Dahil sa kanilang hindi pagsampalataya, pinutol sila, ngunit ikaw ay naging matatag dahil sa iyong pananampalataya. Huwag kang magmalaki, ngunit matakot ka.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Deuteronomio 9:4

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Deuteronomio 9:3Deuteronomio 9Deuteronomio 9:5 →