Ang Mangangaral 3:22
Kaya muli kong naunawaan na walang mainam sa kahit na sinong tao kundi magalak sa kaniyang gawain, dahil ito ang kaniyang bahagi. Sino ang maaaring magpabalik sa kaniya upang maipakita kung ano ang magaganap pagkatapos niya?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:18Sa halip, kakainin ninyo ang mga ito sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong anak na lalaki, anak na babae, ang mga lingkod na lalaki, mga lingkod na babae, at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan; magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa lahat ng bagay kung saan inilagay ninyo ang inyong kamay.
Deuteronomy 28:47Dahil hindi ninyo sinamba si Yahweh na inyong Diyos ng may kasiyahan at kagalakan ng puso nang kayo ay nasa kasaganahan,
Ecclesiastes 2:10Anuman ang hangarin ng aking mga mata, hindi ako nagpipigil sa kanila. Hindi ko pinipigil ang aking puso sa anumang kasiyahan, dahil ang puso ko ay natuwa sa lahat ng pinaghihirapan ko, at ang kasiyahan ay ang aking gantimpala sa lahat ng aking gawain.
Ecclesiastes 3:11Ginawang angkop ng Diyos ang lahat ng bagay para sa bawat panahon. Inilagay din niya ang kawalang hanggan sa kanilang mga puso. Ngunit hindi nauunawaan ng sangkatauhan ang mga gawang ginawa ng Diyos, mula sa simula hanggang sa wakas.
Ecclesiastes 5:18Pagmasdan mo, ang nakita kong mabuti at karapat-dapat ay kumain at uminom at magsaya sa pakinabang mula sa lahat ng ating gawain, habang tayo ay gumagawa sa ilalim ng araw sa lahat ng mga araw nitong buhay na ibinigay ng Diyos sa atin. Dahil ito ang bahagi ng tao.
Ecclesiastes 8:7Walang nakakaalam kung ano ang susunod. Sino ang makapagsasabi sa kaniya kung ano ang susunod?