Ephesians 2:13
Ngunit ngayon kay Cristo Jesus, kayong minsan na napalayo mula sa Diyos ay nailapit sa Diyos sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
But now in Christ Jesus ye who sometimes were far off are made nigh by the blood of Christ.
In Context
Cross References
Psalms 22:7Silang lahat na nakakakita sa akin ay kinukutya ako; hinahamak nila ako; ang kanilang mga ulo ay napapailing sa akin.
Isaiah 11:10Sa araw na iyon, titindig ang ugat ni Jesse bilang isang bandila para sa mga tao. Hahanapin siya ng mga bansa, at magiging maluwalhati ang kaniyang lugar ng kapahingahan.
Isaiah 43:6Aking sasabihin sa hilaga, 'ibalik sila;' at sa timog, 'huwag silang pigilan' Dalhin ang aking mga anak na lalaki mula sa malayo, at aking mga anak na babae mula sa malayong mga lugar ng mundo,
Isaiah 57:19at nilikha ko ang bunga ng mga labi. Kapayapaan, kapayapaan, sa mga malalayo at sa mga malalapit—sinasabi ni Yahweh—pagagalingin ko sila.
Isaiah 60:9Ang mga baybaying-lugar ay maghahanap sa akin, at nangunguna ang mga barko sa Tarsis, para dalhin ang inyong mga anak na lalaki mula sa malayo, ang kanilang pilak at kanilang ginto na dala nila, para sa pangalan ni Yahweh na inyong Diyos, at para sa Banal ng Israel, dahil kayo ay pinarangalan niya.
Jeremiah 16:19Yahweh, ikaw ang aking matibay na tanggulan, aking kanlungan, aking ligtas na lugar sa panahon ng kabagabagan. Ang mga bansa ay pupunta sa iyo mula sa wakas ng lupa at magsasabi, “ Tunay na ang aming mga ninuno ay nagmana ng panlilinlang. Wala silang alam; walang pakinabang sa kanila.