Esther 6:3
Nagtanong ang hari, “Anong karangalan at pagkilala ang nagawa kay Mordecai sa paggawa nito?” Pagkatapos sinabi ng kanyang mga kabataang lalaki, na lingkod niya, “Walang anumang nagawa para sa kanya.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 40:23Ganoon pa man ay hindi naalala ng punong tagahawak ng saro na tulungan si Jose. Sa halip, kinalimutan niya ang tungkol sa kanya.
1 Samuel 17:25Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel, “Nakita ba ninyo ang taong dumating dito? Naparito siya upang hamunin ang Israel. At bibigyan ng hari ng maraming kayamanan ang taong makakapatay sa kanya, ibibigay sa kanya ang kanyang anak na babae para mapangasawa, at hindi na pababayarin ang sambahayan ng kanyang ama mula sa pagpapabuwis sa Israel.”
Psalms 118:8Mas mabuting kumanlong kay Yahweh kaysa magtiwala sa tao.
Daniel 5:7Sumigaw ang hari at nag-utos na papasukin ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan at mga astrologo. At sinabi ng hari sa mga kilala dahil sa kanilang mga karunungan sa Babilonia, “Kung sino man ang makapagpapaliwanag sa nakasulat at makapagsasabi ng kahulugan nito ay dadamitan ng kulay ube at lalagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg. Magkakaroon siya ng kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.”
Daniel 5:29Pagkatapos nito, nagbigay ng utos si Belsazar na damitan ng kulay ube si Daniel. Isang kuwintas na ginto ang isinuot sa kaniyang leeg at nagpahayag ang hari tungkol sa kaniya na siya ay magkakaroon ng kapangyarihan sa ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.