Esther 6:4
At sinabi ng hari, “Sino ang nasa patyo?” Ngayon si Haman ay pumasok sa panlabas na patyo ng bahay ng hari upang kausapin siya tungkol sa pagbitay kay Mordecai sa bitayang inihanda niya para sa kanya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Esther 3:8Pagkatapos sinabi ni Haman kay Haring Assuero, “May isang lahing nagkalat at nakatira sa lahat ng lalawigan ng iyong kaharian. Ang kanilang mga batas ay iba mula sa ibang mga tao, at hindi nila sinusunod ang mga batas ng hari, kaya hindi nararapat para sa hari na hayaan silang manatili.
Esther 5:1Makalipas ng tatlong araw, isinuot ni Esther ang kanyang damit pangreyna at nagtungo upang tumayo sa panloob na patyo ng palasyo ng hari, sa tapat ng bahay ng hari. Nakaupo ang hari sa kanyang trono sa loob ng palasyo, paharap sa pasukan ng maharlikang tahanan.
Esther 7:9Pagkatapos si Harbona, isa sa mga opisyal na naglilingkod sa hari, ay nagsabing, “Isang bitayang limampung kubit ang taas ang nakatayo sa tabi ng bahay ni Haman. Itinayo niya ito para kay Mordecai, ang nagsalita upang mapangalagaan ang hari.” Sinabi ng hari, “Bitayin siya roon.”
Psalms 2:4Siya na nakaupo sa kalangitan ay hahamakin sila; kinukutya sila ng Panginoon.
Proverbs 3:27Huwag ipagkait ang mabuti sa mga karapat-dapat dito, kapag nasa iyong kapangyarihan upang kumilos.