Esther 9:13
Sinabi ni Esther, “Kung makalulugod ito sa Hari, hayaang ang mga Judio na nasa Susa ay pahintulutang dalhin ang kautusan ng araw na ito bukas din, at hayaang bitayin ang katawan ng mga anak na lalaki ni Haman sa mga bitayan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 21:6hayaang ibigay sa amin ang pitong kalalakihan mula sa kaniyang kaapu-apuhan, at bibitayin namin sila sa harapan ni Yahweh sa Gibea ni Saul, ang isang pinili ni Yahweh.” Kaya sumagot ang hari, “Ibibigay ko sila sa inyo.”
Esther 8:11Pinahintulutan ng hari ang mga Judio na nasa bawat siyudad na magtipun-tipon at gumawa ng paninindigan upang pangalagaan ang kanilang buhay; upang ubusin, patayin, at lipulin ang anumang sandatahang lakas mula sa alinmang lahi o lalawigang gustong sumalakay sa kanila, kasali ang mga bata at mga kababaihan o dambungin ang kanilang mga ari-arian.
Galatians 3:13Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan noong siya ay naging sumpa para sa atin. Sapagkat nasusulat, “Sinumpa ang sinumang ibinitin sa isang puno.”