Mga Taga-Galacia 3:13
Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan noong siya ay naging sumpa para sa atin. Sapagkat nasusulat, “Sinumpa ang sinumang ibinitin sa isang puno.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Read all of Mga Taga-Galacia 3
Cross References
Deuteronomy 21:23sa gayon ang kaniyang katawan ay hindi dapat manatili ng buong gabi sa puno. Sa halip, dapat ninyo tiyakin at ilibing siya sa araw ding iyon; sapagka't sinumang ibinitin ay isinumpa ng Diyos. Sundin ang kautusang ito ng sa ganoon hindi ninyo madungisan ang lupain na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana.
2 Samuel 17:23Nang makita ni Ahitofel na hindi sinunod ang kaniyang payo, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at umalis. Umuwi siya sa kaniyang sariling lungsod, inayos ang kaniyang mga bagay-bagay at nagbigti siya. Sa ganitong paraan namatay siya at inilibing sa libingan ng kaniyang ama.
2 Samuel 18:14Pagkatapos sinabi ni Joab, “Hindi na ako maghihintay sa iyo.” Kaya nagdala si Joab ng tatlong sibat sa kaniyang kamay at isinaksak ang mga ito sa puso ni Absalom, habang buhay pa siya at nakabitin mula sa kahoy.
2 Samuel 21:9Ibinigay niya sila sa mga kamay ng mga lahi ni Gibeon. Binitay nila sila sa bundok sa harapan ni Yahweh, at silang pito ay namatay lahat ng magkakasama. Nilagay sila sa kamatayan sa panahon ng ani, sa panahon ng mga unang araw sa umpisa ng ani ng sebada.
Esther 7:10Kaya binitay nila si Haman sa bitayang kanyang inihanda para kay Mordecai. Pagkatapos humupa ang matinding galit ng hari.
Isaiah 55:5Masdan, tatawag kayo sa bansa na hindi ninyo nakikilala; at ang isang bansa na hindi ninyo kilala ay pupunta sa inyo dahil si Yahweh ang inyong Diyos, Ang Banal ng Israel, na siyang dumakila sa inyo.”