Ester 9:19
Iyan ang dahilan kung bakit ang mga Judio ng mga nayon, na gumagawa ng kanilang mga tahanan sa mga bayang bukirin, ay ipinagdiriwang ang ikalabing-apat na araw sa buwan ng Adar bilang isang araw ng pagsasaya at kapistahan, at bilang isang araw kung saan nagpapadala sila ng mga regalong pagakain sa isa't-isa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 3:5Ito ang lahat ng mga lungsod na pinatibay na may matataas na mga pader, mga tarangkahan, at mga rehas; maliban pa dito ang mga napakaraming hindi nababakuran na mga nayon.
Deuteronomy 16:11Kayo ay magsasaya sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita na nasa loob ng mga tarangkahan ng inyong lungsod, at ang mga dayuhan, ang mga ulila, at ang mga balo na nasasakupan ninyo, doon sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos para sa kaniyang santuwaryo.
Nehemiah 8:10Pagkatapos, sinabi ni Nehemias sa kanila, “Humayo na kayo, kainin ninyo ang taba at kumuha kayo ng matamis na maiinom, at ipadala ang ilan nito sa mga walang naihanda, dahil ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon. Huwag kayong magdalamhati, dahil ang kagalakan ni Yahweh ang inyong lakas.”
Esther 9:22Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap.
Zechariah 2:4Sinabi sa kaniya ng ikalawang anghel, “Tumakbo ka at sabihin mo sa binatang iyon: sabihin mo, 'Uupo ang Jerusalem sa bansang walang pader dahil sa napakaraming tao at mga hayop na nasa kaniya.
Revelation 11:10Silang mga naninirahan sa lupa ay magagalak sa kanila at magdiriwang, kahit nagpapadala sila ng mga kaloob sa isa't isa dahil itong dalawang propeta ay pinahirapan ang mga naninirahan sa lupa.