Amos 4:10
Pinadala ko sa inyo ang salot na gaya sa Egipto. Pinatay ko sa espada ang inyong mga kabataang lalaki, kinuha ang inyong mga kabayo, at ginawa kong mabaho ang inyong kampo na umabot sa inyong mga pang-amoy. Gayunpama'y hindi kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 9:3pagkatapos ang kamay ni Yahweh ay nasa inyong mga baka na nasa bukirin at sa mga kabayo, mga asno, mga kamelyo, mga kawan at mga tupa at magdudulot ito ng isang matinding sakit.
Exodus 9:17Patuloy mong itinataas ang iyong sarili laban sa aking bayan sa pamamagitan ng hindi mo pagpayag na paalisin sila.
Exodus 10:3Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Paraon at sinabi sa kaniya, “Sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: 'Hanggang kailan mo tatanggihan ang pagpapakumbaba ng iyong sarili sa aking harapan? Hayaan mo nang umalis ang aking bayan para sumamba sila sa akin.
Exodus 12:29Ito ay nangyari ng hatinggabi ng sinalakay ni Yahweh ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hangang sa panganay ng taong nasa kulungan at sa lahat ng panganay ng mga baka.
Exodus 15:26Sinabi niya, “Kung papakinggan ninyong mabuti ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos, at gagawin kung ano ang tama sa aking mga mata, at kung makikinig kayo sa mga kautusan ko at susundin ang lahat ng mga batas ko—hindi ako maglalagay sa inyo ng anumang mga sakit na inilagay ko sa mga taga-Ehipto, dahil ako ay si Yahweh na nagpapagaling sa inyo.”
Leviticus 26:25Magdadala ako ng espada sa inyo na gagawa ng paghihiganti dahil sa pagsuway sa aking mga utos. Maiipon kayo sa loob ng inyong mga siyudad at magpapadala ako ng mga sakit sa inyo doon at matatalo kayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng inyong kaaway.