Exodus 12:23
Dahil si Yahweh ay dadaan para salakayin ang mga taga-Ehipto. Kapag nakita niya ang dugo sa itaas ng inyong balangkas at sa dalawang magkabilang poste, lalagpasan niya lamang ang inyong pintuan at hindi niya pahihintulutan ang tagawasak na makapasok sa inyong tahanan para kayo ay salakayin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:12Sinabi ito ni Yahweh: Pupunta ako sa buong lupain ng Ehipto sa gabing iyon at sasalakayin ang lahat ng mga panganay na anak ng tao at ng hayop sa lupain ng Ehipto. Dadalhin ko ang kaparusahan sa lahat ng mga diyos ng Ehipto. Ako ay si Yahweh.
2 Samuel 24:16Nang inabot ng anghel ang kaniyang kamay sa dako ng Jerusalem para wasakin ito, nagbago ang ang isip ni Yahweh tungkol sa kapahamakan, at sinabi sa anghel na pumupuksa sa mga tao, “Tama na! Iatras mo ngayon ang iyong kamay.” Nakatayo noon ang anghel ni Yahweh sa giikan ni Arauna na Jebuseo.
Isaiah 37:36Pagkatapos ay dumating ang angel ni Yahweh at lumusob sa kampo ng Asiria, pinatay ang 185, 000 na sundalo. Nang maagang gumising ang mga kawal, nagkalat ang patay kahit saan.
Ezekiel 9:6maski alin sa matatanda, binata, dalaga, maliliit na mga bata o kababaihan. Patayin ninyo silang lahat! Ngunit huwag ninyong lapitan ang sinumang lalaki na may palatandaan sa kaniyang ulo. Magsimula kayo sa aking santuwaryo!” Kaya sinimulan nila sa matatandang lalaki na nasa harap ng bahay.
Hebrews 11:28Dahil sa kaniyang pananampalataya sinunod niya ang “Paskua” at ang pagwisik ng dugo upang ang mangwawasak sa bawat panganay ay hindi makahawak sa mga panganay na anak na lalaki ng mga Israelita.
Revelation 7:3Huwag ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga puno, hanggang lagyan na namin ng isang tatak ang mga noo ng lingkod ng ating Diyos.”