Numbers 22:36
Nang marinig ni Balak na dumating na si Balaam, lumabas siya upang salubungin siya sa isang lungsod ng Moab sa Arnon, na nasa hangganan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:2Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa.
Exodus 18:7Lumabas si Moises para salubungin ang kaniyang biyenan na lalaki, yumuko at hinalikan siya. Nagtanungan sila tungkol sa kapakanan ng isa't-isa at pagkatapos pumasok sila sa tolda.
Deuteronomy 2:24“'Ngayon tumayo kayo, magpatuloy sa inyong paglalakbay, at tumawid sa lambak ng Arnon; tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyong kamay si Sihon ang Amoreo, ang hari ng Hesbon, at ang kaniyang lupain. Simulang sakupin ito, at makipaglaban kayo sa kaniya sa labanan.
Judges 11:18Pagkatapos pumunta sila sa ilang at lumayo mula sa lupain ng Edom at sa lupain ng Moab, at nagpunta sila sa silangang bahagi ng lupain ng Moab at nagkampo sila sa kabilang bahagi ng Arnon. Pero hindi sila pumunta sa teritoryo ng Moab, dahil ang arnon ay hangganan ng Moab.
Isaiah 16:2Gaya ng naggagalang mga ibon, gaya ng isang nakakalat na pugad, kaya ang mga babae ng Moab ay nasa mga tawiran ng Ilog Arnon.
Acts 28:15Mula doon ang mga kapatiran pagkatapos nilang marinig ang tungkol sa amin, dumating sila para salubungin kami sa malayo sa Pamilihan ng Appio at Ang Tatlong Tuluyan. Nang nakita ni Pablo ang magkapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at siya ay napalakas.