Exodo 22:25
Kung magpapahiram kayo ng pera sa sinuman sa aking mga tao sa gitna ninyo na mga mahihirap, hindi kayo dapat matulad sa isang nagpapatubo sa kaniya o singilin siya ng may tubo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 25:35Kung naging mahirap ang kapwa kababayan ninyo, kung kaya hindi na niya kayang itaguyod ang kanyang sarili, sa gayon dapat ninyo siyang tulungan tulad ng tutulungan ang isang dayuhan o sino pa mang naninirahan bilang tagalabas na kasama ninyo.
Deuteronomy 24:13Kapag lumubog ang araw, siguraduhing isuli sa kaniya ang sinangla niya sa paglubog ng araw, para siya ay makatulog sa kaniyang balabal at pagpalain ka, ito ay magiging matuwid sa harapan ni Yahweh na iyong Diyos.
2 Kings 4:7Pagkatapos, bumalik siya at sinabi sa lingkod ng Diyos. Sabi niya, “Pumunta ka roon, ibenta mo ang langis; bayaran mo ang iyong utang, at mamuhay kasama ng iyong mga anak sa mga natira.”
Nehemiah 5:7Pagkatapos ay pinag-isipan ko ito, at nagharap ng sakdal laban sa mga maharlika at opisyales. Sinabi ko sa kanila, “Naniningil kayo ng tubo, bawat isa sa kanyang sariling kapatid.” Nagdaos ako ng isang malaking pagpupulong laban sa kanila
Psalms 15:5Hindi siya naniningil ng tubo sa tuwing siya ay nagpapautang. Hindi rin siya tumatanggap ng suhol para tumestigo laban sa walang-sala. Sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman mayayanig.
Jeremiah 15:10Kaawa-awa ako, aking ina! Dahil isinilang mo ako, isa akong tao na pinag-uusapan at pinagtatalunan sa buong lupain. Hindi ako nagpautang, ni walang sinuman ang umutang sa akin, ngunit sinusumpa nila akong lahat.