Exodo 23:14
Dapat kang maglakbay para magdaos ng isang pista para sa akin tatlong beses sa bawat taon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Three times thou shalt keep a feast unto me in the year.
In Context
Cross References
Exodus 23:17Dapat magpakita ang lahat ng iyong mga kalalakihan sa harapan ko, si Yahweh, tatlong beses sa bawat taon.
Exodus 34:18Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Walang Lebadurang Tinapay. Tulad ng aking iniutos sa inyo, kailangan ninyong kainin ang tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw at sa takdang panahon sa buwan ng Abib, dahil sa buwan ng Abib kayo ay lumabas mula Ehipto.
Leviticus 23:5Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan sa takipsilim, ay Paskuwa ni Yahweh.
Leviticus 23:34“Kausapin ang mga bayan ng Israel, sinasabi, 'Sa ikalabing-limang araw ng ikapitong buwan magiging Pista ng mga Kanlungan para kay Yahweh. Magtatagal ito ng pitong araw.
Deuteronomy 16:16Tatlong beses sa isang taon, ang lahat ng inyong kalalakihan ay dapat magpakita sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na kaniyang pipiliin: sa Pista ng Tinapay na walang Lebadura, sa Pista ng mga Linggo, at sa Pista ng mga Kanlungan; at hindi sila makikita sa harapan ni Yahweh na walang dala;
Ezekiel 46:9Ngunit kapag pumunta ang mga tao ng lupain sa harapan ni Yahweh sa mga itinalagang pagdiriwang, ang sinumang papasok sa tarangkahang nasa hilaga upang sumamba ay dapat umalis sa pamamagitan ng tarangkahang nasa timog; at ang sinumang papasok sa tarangkahang nasa timog ay dapat umalis sa pamamagitan ng tarangkahang nasa hilaga. Walang sinuman ang maaaring bumalik sa tarangkahan kung saan siya pumasok sapagkat dapat siyang lumabas nang tuwiran.