Exodus 34:10
Sabi ni Yahweh, “Tingnan mo, gagawa ako ng tipan. Sa harap ng lahat ng iyong bayan, gagawa ako ng kamangha-mangha na hindi pa nagagawa sa buong sanlibutan o kahit sa anumang bansa. Ang lahat ng tao na kasama mo ay makakakita ng aking mga gawa, dahil ito ay nakakatakot na bagay na ginagawa ko kasama kayo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 34:27Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Isulat mo itong mga salita dahil ipinapangako ko ang aking sarili ng mga salitang ito na aking sinabi, at gumawa ng tipan sa inyo at sa Israel.”
Deuteronomy 4:32Itanong ngayon ang tungkol sa mga araw na nakaraan, na nauna sa inyo: mula noong araw na nilikha ng Diyos ang tao sa lupa, at mula sa dulo ng langit patungo sa kabila, itanong kung nagkaroon na ba ng anumang bagay na katulad nitong napakalaking bagay, o mayroong bang bagay tulad nito ang narinig?
Deuteronomy 10:21Siya ang inyong papuri, at siya ay inyong Diyos, na siyang gumawa para sa inyo ng makapangyarihan at nakakatakot na mga bagay na ito, na nakita ng inyong mga mata.
Deuteronomy 32:30Paano ba hahabulin ng isa ang isang libo, at papaliparin ng dalawa ang sampung libo, maliban kung ipinagbili sila ng kanilang Bato, at isinuko sila ni Yahweh?
Joshua 10:12Pagkatapos nakipag-usap si Josue kay Yahweh sa araw na iyon na binigyan ni Yahweh ng tagumpay ang kalalakihan ng Israel laban sa mga Amoreo. Ito ang sinabi ni Josue kay Yahweh sa harap ng Israel, “Araw, manatili sa Gabaon, at buwan, sa lambak ng Ajalon.”
Psalms 65:5Sasagutin mo kami sa iyong katuwiran sa pamamagitan ng paggawa ng mga kamangha-manghang mga bagay, Diyos ng aming kaligtasan; ikaw na siyang pinagtitiwalaan ng lahat sa dulo ng daigdig at sa malalayong ibayo ng dagat.