Deuteronomy 10:21
Siya ang inyong papuri, at siya ay inyong Diyos, na siyang gumawa para sa inyo ng makapangyarihan at nakakatakot na mga bagay na ito, na nakita ng inyong mga mata.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 34:10Sabi ni Yahweh, “Tingnan mo, gagawa ako ng tipan. Sa harap ng lahat ng iyong bayan, gagawa ako ng kamangha-mangha na hindi pa nagagawa sa buong sanlibutan o kahit sa anumang bansa. Ang lahat ng tao na kasama mo ay makakakita ng aking mga gawa, dahil ito ay nakakatakot na bagay na ginagawa ko kasama kayo.
Deuteronomy 4:34O ang Diyos ba ay tinangkang pumunta at kunin ang isang bansa mula sa kalagitnaan ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga pagsubok, sa pamamagitan ng mga tanda, at sa pamamagitan ng mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng digmaan, at sa pamamagitan ng isang napakalakas na kamay, at sa pamamagitan ng sa isang pagpapakita ng dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng matinding mga pananakot, gaya ng lahat ng ginawa ni Yahweh na inyong Diyos para sa inyo sa Ehipto sa harapan ng inyong mga mata?
1 Samuel 12:24Katakutan lamang si Yahweh at paglingkuran siya sa katotohanan ng inyong buong puso. Isaalang-alang ang mga dakilang bagay na nagawa niya para sa inyo.
Psalms 22:3Pero ikaw ay banal; ikaw ay nakaupo bilang hari kasama ang mga papuri ng Israel.
Psalms 109:1Diyos na aking pinupuri, huwag kang manahimik,
Isaiah 60:19Ang araw ay hindi mo na kailanman magiging liwanag sa maghapon, ni ang liwanag ng buwan ay magliliwanag sa inyo; pero si Yahweh ang inyong magiging walang hanggang liwanag, at ang inyong Diyos ang inyong kaluwalhatian.