Exodo 34:24
Dahil palalayasin ko ang mga bansa sa harap ninyo at palalawakin ang inyong hangganan. Walang sinumang maghahangad na sakupin ang inyong lupain at kukuha nito kapag kayo ay haharap sa akin, Yahweh, ang inyong Diyos, tatlong beses sa bawat taon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 15:18Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, “Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates—
Exodus 23:27Ako mismo ang magpapadala ng takot sa akin para sa mga taong naroon sa lupain kung saan ka susulong. Papatayin ko lahat ang mga taong makakasalubong mo. Gagawin ko ang lahat mong mga kaaway na babalik sa kanilang landas na may takot.
Exodus 33:2Ipapadala ko ang isang anghel sa inyo, at itataboy ko palabas ang mga Cananaeo, Amoreo, Heteo, Perezeo, Hivita, at Jebuseo.
Leviticus 18:24Huwag ninyong dungisan ang inyong mga sarili sa mga paraang ito, sapagkat sa lahat ng mga paraang ito nadungisan ang mga bansa, mga bansang itataboy ko mula sa inyong harapan.
Deuteronomy 12:20Kapag pinalawak ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong mga hangganan, tulad ng ipinangako niya sa inyo, at sinabi ninyo, 'Kakain ako ng laman,' dahil sa inyong pagnanais na kumain ng laman, maaari kayong kumain ng laman, gaya ng inyong pagnanais.
1 Kings 5:1Ipinadala ni Hiram, hari ng Tiro, ang kaniyang mga lingkod kay Solomon, dahil narinig niya na siya ay hinirang na hari kapalit ng kaniyang ama; dahil sa noon pa man ay mahal na ni Hiram si David.