Exodus 4:23
At sasabihin ko sa iyo, “Payagan mo ang aking anak na umalis, kaya siya ay sasamba sa akin.” Pero dahil ikaw ay tumangging paalisin siya, tiyak na papatayin ko ang iyong anak, ang iyong panganay.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 5:1Nang matapos ang mga bagay na ito, pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon at sinabi, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinabing: 'Pabayaan mong umalis ang aking bayan, para magkaroon sila ng pagdiriwang para sa akin doon sa ilang.”
Exodus 8:16Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Iunat mo ang iyong tungkod at hampasin mo ang alikabok sa lupa, para ito ay maging niknik sa lahat ng lupain ng Ehipto.”'
Exodus 9:1Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumunta ka kay Paraon at sabihin sa kaniya, 'ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: “Hayaang umalis ang aking bayan, para sila ay sumamba sa akin”.
Exodus 10:3Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Paraon at sinabi sa kaniya, “Sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: 'Hanggang kailan mo tatanggihan ang pagpapakumbaba ng iyong sarili sa aking harapan? Hayaan mo nang umalis ang aking bayan para sumamba sila sa akin.
Exodus 11:5Mamamatay ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hanggang sa panganay ng aliping babae na siyang nasa likod ng gilingan ng trigo nito, at sa lahat ng panganay ng mga baka.
Exodus 13:15Nang nagmamatigas na tinanggihan ng Paraon ang pagpapaalis sa amin, pinatay ni Yahweh ang lahat ng mga panganay sa buong lupain ng Ehipto, kapwa panganay na anak ng mga tao at ang panganay na anak ng mga hayop. Kung kaya bakit ako nag-aalay kay Yahweh ng mga panganay ng bawat hayop, at kung kaya bakit ko binibili pabalik ang aking mga panganay na lalaki.'