Exodus 5:3
Sinabi nila. “Ang Diyos ng mga Hebreo ay nakipagkita sa amin. Payagan mo kaming umalis at maglakbay ng tatlong araw doon sa ilang at mag-alay kay Yahweh na aming Diyos para hindi niya kami salakayin ng salot o may espada.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:18Makikinig sila sa iyo. Ikaw at ang mga nakatatanda ng Israel ay dapat pumunta sa hari ng Ehipto, at dapat mong sabihin sa kaniya, 'Si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo ay kinatagpo kami. Kaya ngayon hayaan mo kaming maglakbay ng tatlong araw sa ilang, para makapaghandog kami kay Yahweh, na aming Diyos.'
Deuteronomy 28:21Hindi aalisin ni Yahweh ang mga salot sa inyo hanggang sa madurog niya kayo mula sa labas ng lupain na inyong papasukin para angkinin.
2 Chronicles 30:8Ngayon huwag maging matigas ang inyong ulo, tulad ng inyong mga ninuno; sa halip, ibigay ninyo ang inyong sarili kay Yahweh at pumunta kayo sa kaniyang banal na lugar, na kaniyang itinalaga kay Yahweh magpakailanpaman, at sambahin ninyo si Yahweh, ang inyong Diyos, upang mawala ang kaniyang malaking galit sa inyo.
Ezekiel 6:11Ang Panginoong Yahweh ang nagsabi nito: Ipalakpak ang iyong kamay at ipadyak ang iyong paa! Sabihin, “O!” dahil sa lahat ng kasamaang kasuklam-suklam ng sambahayan ng Israel! Sapagkat babagsak sila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.