Ezekiel 13:22
Dahil pinahina ninyo ang puso ng matuwid na tao sa pamamagitan ng mga kasinungalingan, kahit na hindi ko ninais ang kaniyang kawalan ng pag-asa, at sa halip, hinimok ninyo ang gawain ng masasamang tao upang hindi siya tumalikod mula sa kaniyang kaparaanan upang mailigtas ang kaniyang buhay—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 3:4Sinabi ng ahas sa babae, “Tiyak na hindi kayo mamamatay.
Jeremiah 6:14Ngunit pinagaling lamang nila ng bahagya ang sugat ng aking mga tao, nang sabihin nila, 'Kapayapaan! Kapayapaan!' ngunit walang kapayapaan.
Jeremiah 14:13At sinabi ko, “O, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Sinasabi ng mga propeta sa mga tao, 'Hindi kayo makakakita ng espada, walang taggutom para sa inyo, sapagkat bibigyan ko kayo ng tunay na katiwasayan sa lugar na ito.”'
Jeremiah 23:14At maging sa mga propeta sa Jerusalem ay nakita ko ang mga kakila-kilabot na mga bagay: Nangalunya at lumalakad sila sa kasinungalingan. Pinapalakas nila ang mga kamay ng mga gumagawa ng masama: walang isa man ang tumalikod mula sa kaniyang ginagawang kasamaan. Lahat sila ay naging tulad ng Sodoma sa akin at ang mga naninirahan dito ay tulad ng Gomorra!”
Jeremiah 27:14Huwag kayong makinig sa mga salita ng inyong mga propeta na nagsasalita sa inyo at sinasabi, 'Huwag ninyong paglilingkuran ang hari ng Babilonia,' sapagkat mga kasinungalingan ang ipinapahayag nila sa inyo.
Jeremiah 29:32samakatuwid ito ang sinasabi ni Yahweh. Tingnan ninyo, parurusahan ko si Semaias na Nehelamita at ang kaniyang mga kaapu-apuhan. Hindi magkakaroon ng isang tao para sa kaniya upang manatili sa gitna ng mga taong ito. Hindi niya makikita ang kabutihang gagawin ko para sa aking mga tao, sapagkat ipinahayag niya ang kawalan ng pananampalataya laban sa akin, si Yahweh.” Ito ang pahayag ni Yahweh.